Panig ng gobyerno dapat dininig din ng SC

NANINIWALA si Senador Teofisto Guingona na dapat na narinig muna ang panig ng gobyerno bago inilabas ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO).

Ayon sa senador, nag-apply ng TRO si GMA dahil sa kailangan niyang makaalis agad sapagkat ang medical condition niya ay mahalaga o urgent life-threatening.

Pero batay na rin sa pahayag ng mga doktor ng dating pangulo, siya ay “fully recovered” na sa loob ng 6 na buwan hanggang 8 buwan.

Unang inihayag ng abogado ni Arroyo na ito ay tutungo sa Singapore, Spain, at Germany para magpagamot at idinagdag pa ang USA at Switzerland, at nakatakda rin itong dumalo sa mga pagpupulong.

“So hindi urgent at life-threatening. Kung ganun pala, dapat pinakinggan muna ng Korte Suprema ang panig ng gobyerno. Pero ang nangyari pinayagan agad nila na makaalis si GMA,” diin ni Guingona.

Binigyang diin pa ng senador na dapat ay balansehin din ng Korte ang karapatang magbiyahe ng dating Pangulo at ang karapatan nito bilang mamamayan na bahagi ng hustisya sa bansa.

Sa panig naman ni Senate President Juan Ponce Enrile, dapat na maresolba ang isyu ng Korte Suprema dahil sa sinasabing hindi agad natanggap ng DOJ ang kopya ng TRO.

Samantala nanindigan naman si de Lima sa pagkuwestiyon sa TRO dahil pinangungunahan na nito ang pagpapasya sa kanilang mga hinahaing asunto laban sa mga Arroyo.

“Habang nakapending ang kanilang motion ay hindi pa dapat na lumabas ng bansa si GMA,” anang kalihim.

Gayundin, ang naging komento ni Enrile sa isyu na kung guilty ba si de Lima sa contempt?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply