Paniningil ng 2 opisyal ng Brgy. Bagong Pagasa sa mga drayber inireklamo

INANGALAN ng mga drayber ng Asean Utility Vehicles (AUV) at FX taxi sa terminal ng Trinoma North Edsa, Quezon City ang paniningil umano ng dalawang opisyal ng Barangay Bagong Pagasa, Q.C. ng barangay permit sa mga taxi drver sa naturang lugar.

Base sa reklamo ng mga AUV at FX driver/operator na tumangging magpabanggit ng kanilang pangalan, bukod umano sa sinisingil na barangay permit ng dalawang opisyal ng barangay sa bawat drivers association ng Trinoma North Edsa, QC terminal na kanilang kailangan para makabiyahe at makapila sa naturang lugar ay humihingi din umano ang mga ito ng suplay na bigas para sa mga miyembro ng pederasyon.

Inerereklamo rin ng mga driver at operator na sobra-sobra din umano ang halaga na sinisingil sa mga naturang driver association na hindi naman umano naaayon sa Quezon City Ordinance -1243 S-2003.

Wala umanong magawa ang mga kaawa-awang AUV at FX taxi association sa lugar kundi ang sumunod sa nais ng dalawang opisyal ng barangay dahil kailangan nilang kumuha ng barangay permit para sa kanilang mga terminal sa loob ng Trinoma na siya naman kailangan ng management ng naturang mall.

Base pa rin sa reklamo, dapat din umanong aksyunan ito ng pangulo ng Federation Trinoma North Edsa Quezon City terminal na si Rommel Linsangan dahil sa lubhang pahirap umano sa mga operator at driver ng pederasyon ang ginagawang paniningil ng dalawang barangay official.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply