Panuntunan sa watchlist order, HDO ilalatag

MAGLALATAG ng mga panuntunan sa pag-iisyu ng watch list order at hold-departure order ang Senado upang hindi na magamit sa panggigipit.

Ayon kay Senador Edgardo Angara, maliwanag sa Konstitusyon ang right to travel o karapatang makapaglakbay ng bawat indibidwal subalit kailangan ngayong klaruhin ang implementasyon nito.

Lalo at binabalewala aniya ito ngayon ng gobyerno katulad sa kaso ni dating Pangulong Gloria Arroyo na pinipigilang makapag-abroad para makapagpagamot.

Bago pa man ang kontrobersya sa paghadlang ng administrasyong Aquino sa pangingibang bansa ni Congresswoman Arroyo, nakahain na sa Senado ang tatlong panukalang batas na naghihigpit sa pag-iisyu ng watch list order at hold-departure order.

Sa magkakahiwalay na panukalang batas nina Senator Miriam Santiago, Manny Villar at Jinggoy Estrada, hihigpitan o pipigilan lang ang paglalakbay ng isang tao kung delikado sa national security, public safety at public health.

Inaatasan din ang mga hukuman na magpatawag muna ng pagdinig bago ura-uradang mag-isyu ng hold-departure order.

Sinabi sa panukala ng tatlong senador na ang right to travel ang dapat na awtomatikong panigan ng mga batas at ng mga ahensya ng gobyerno at sino mang gustong humadlang, nasa kanya ang burden of proof o responsibilidad na magprisinta ng sapat na katwiran.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply