Papa mayor ng QC Hall gamit ng sindikato

PAHAPYAW nating balikan ang sindikato na kumikilos sa Quezon City Hall na kumakaladkad sa pangalan ni “Papa Mayor” para magkamal ng limpak-limpak na salapi mula sa mga naloloko nilang mga negosyante sa nasabing lungsod.

Ang balita ay pansamantalang tumigil ang operasyon ng sindikato nina Don Bien at Tony R. matapos mabulabog ang kanilang  modus-operandi.

Sa ‘impo’ ay naglaylo ang sindikato matapos na mabulabog ang kanilang modus-operandi. Pero ang siste ay nagpalamig lang nang pansamantala ang  grupo at di kalaunan ay muli na namang kumana ang grupo na gamit si “Papa Mayor.”

Sa unang entrada ng operasyon ay ang anak ng isang bigtime Chinese businessman ang  nakotongan ng milyones  ng grupo nina Don Bien.

Nabatid kamakailan na naispatan ng ating mga ‘asset’ ang grupo nina Don Bien sa City Best Restaurant sa Morato na kung saan ay pina-show up na naman nila si “Papa Mayor” sa kanilang mga biktimang negosyante.

Ang masakit nito ay walang kamalay-malay si “Papa Mayor” na ginagamit siya ng grupo ni Don Bien sa kanilang mga raket. Ang modus-operandi ng grupo ay magse-set sila ng venue para sa kanilang pakikipagtransaksyon sa kanilang mga biktima at kukumbidahin nila si “Papa Mayor” na kunwari ay kasama nila sa transaksyon.

Pero ang totoo ay walang kamalay-malay si ‘Papa Mayor’ na ginagamit siya ng grupo para lang magkamal ng milyones sa kanilang mga katransaksyon.

SUGALAN SA PS1 LALONG GRUMABE

Sa Maynila,sakop ng MPD PS1 na pinamumunuan ni Supt. Ricardo Tumalas, este… Tumalad.

Grabe ang operasyon na naman ng saklaan. Halos bawat kanto sa mga kalye sa sakop ng PS1 ay may saklang walang patay.

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply