Para iwas aksidente: Drainage Safety Act itatag

UPANG maiwasan ang aksidente tulad ng pagkalunod sa mga agusan ng tubig o drainage, inihain ngayon ng isang mambabatas ang panukalang naglalayong itatag ang Drainage Safety Act na naglalayong magkaroon ng iisang sukat na susundin sa paglalagay at pagpapanatili ng drainage system sa bansa.

Ayon sa panukala na inihain ni Rep. Ma. Theresa Bonoan-David (4th District, Manila) layunin ng House Bill 5344  na maiiwas ang mamamayan na maaksidente at mahulog sa mga agusan ng tubig na kadalasang naiiwanang bukas at walang takip.

Nakasaad sa panukala ni Bonoan-David ang paglalagay ng mga babala sa lahat ng mga may drainage system na pinaglalagusan ng tubig lalo na kung malakas ang buhos ng ulan at kadalasan ay nagiging sanhi upang hindi ito mapansin.

It ay upang maiiwas ang mamamayan, higit sa lahat ang mga bata na maaksidente sa mga agusang ito.

Inaatasan din ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagbabantay, pagpapanatili at pagmimintina ng mga drainage system sa bansa, na gawing regular ang pagbisita sa lahat ng drainage system.

Dapat din siguruhing mayroon sapat na lagusan at maaaring daanan ang bawat drainange system, upang kung sakaling may aksidenteng maganap ay maaari itong buksan at mapasok ng magtatangkang tumulong sa pagliligtas sa taong naaksidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply