Para patas: Mug shots ni GMA ipinasasapubliko

MARAMI ang umalma sa hindi pagpayag ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 na isapubliko ang kopya ng mug shot ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ito ay makaraang hindi umano nagiging patas ang korte dahil noon ay walang hirap na nakakuha ng kopya ang mga taga-media sa mug shot nbi naisapubliko ang mug shots ni dating Pangulong Joseph Estrada at hindi naisip ang karapatan nito bilang isang akusado.

Nauna nang sinabi ni Pasay RTC Clerk of Court Attorney Joel Felicano na nagdesisyon si Judge Jesus Mupas na huwag isapubliko ang kopya ng mug shot ni GMA bilang paggalang sa karapatan nito bilang akusado.

Gayunman, sinabi ni Felicano na may posibilidad pa ring maisapubliko ang mug shot sakaling may maghain ng mosyon na humihiling para maisapubliko ito na nilinaw din niyang dadaanan muna sa pagkilatis ng korte.

Pasado alas 10:00 ng umaga kanina nang isumite ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Chief Joel Napoleon Brunel ang mug shots ni Arroyo kasabay ng pagsosoli ng kopya ng inisyung warrant of arrest noong Biyernes.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply