Parak nadekwatan ng mga side mirror

NADEKWATAN ng mga side mirror ang isang pulis ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang una ay natutulog sa loob ng sasakyan na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Nakilala ang biktima na si PO3 Anthony Herrera, 38, taga-Jacinto St,. Caloocan City.

Sa ulat, dakong ala-una ng madaling araw, nakatulog ang biktima sa loob ng Isuzu Sportivo habang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay nang magising matapos na maramdaman na umuga ang sasakyan.

Pagmulat ng mata ng pulis ay nakitang baklas na ang mga side mirror na nagkakahalaga ng P10,000 at bibit na ng mga suspek na papatakas na sakay ng tricycle (3607-UA).

Hinabol ng pulis ang mga suspek at nang aabutan na ay huminto ang mga ito at nagpulasan ng takbo at iniwan ang tricycle habang bitbit ang mga side mirror.

Inaalam na ng mga pulis kung kanino ang nasabing tricycle at malaman kung sino ang mga sakay na kumuha ng mga side mirror sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply