Parak patay sa tarak ng ex-con

NAMATAY ang isang pulis makaraang pagsasaksakin ng isang dating bilanggo sa Sorsogon.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilala na si SPO1 Norman Garbida ng Bulusan PNP sa naturang lalawigan.

Kinilala naman ang suspek na si Jomar Fungo, sinasabing dating bilanggo sa kasong arson subalit pansamantalang nakalalaya matapos makapagpiyansa.

Ayon pa sa ulat, dati nang may alitan ang suspek at biktima at nang magtapo ang mga ito ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaksak ng suspek

Naaresto ang suspek at kasalukuyang nakapiit sa Bulusan PNP detention cell at nahaharap sa kasong homicide. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply