Parang mga manok na pangsabong na naggigirian sina Nadia’t Annabelle

PARANG girian lang ng mga manok na pansabong ang away nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro, kung ihahambing sa gulong kinasadlakan ng mga Revilla sa panahong ito. Nagsampa na raw ng demandang libel si Nadia laban kay Annabelle. Malamang na ilang araw mula ngayon, si Annabelle naman ang magdedemanda kay Nadia. Well, sey nga ng mga bading sa beauty parlor at sa mga rampahan at hadahan, showbiz na showbiz ang mga lola! Nakakaloka! Pang-Juicy, The Buzz, Startalk, at iba pa ang bungangaan at demandahang away sa showbiz.

Pam-police at pang-NBI (National Bureau of Investigation) naman ang kaso ng pagkapatay kay Ram Revilla. At pagkatapos ng imbestigasyon, pang criminal court. Kung papalarin, may mabibilanggong salarin. Pero kung mamalasin, may fall guys na bubulukin sa kalaboso!

* * * *

NAGBAGO na raw ang isipan ni Jinkee Pacquiao tungkol sa pagpapa-annul ng kasal nila ng bilyonaryong boksingerong Pinoy na si Manny Pacquiao. Hindi na raw n’ya itutuloy yon, ayon sa katoto naming si Edgar Cruz na siya ring unang nagbalita ng umano’y balak na yon ni Mrs. Pacquiao. Iniulat yon ni Ed sa website na Todo Entertainment na pinangangasiwaan nila ng entertainment reporter ding si Justin Mata (na pareho naming kaibigan, of course).

Actually, bagama’t pinik-up namin ang ulat ni Ed tungkol sa umano’y pasya ni Jinkee na ipa-annul na ang kasal nila ni Manny, nilinaw namin na di kami naniniwalang itutuloy ng dating mall sales lady ang pakikipaghiwalay sa kauna-unahang bilyonaryong boksingero ng bansa. Kung babaerong boksingerong pipitsugin lang si Manny, kami ang unang magrirekumenda kay Jinkee na hiwalayan na niya ito bago pa madagdagan ang mga anak nila.

Pero sa yaman ni Manny Pacquiao ngayon, kahit siguro umabot sa 92 ang anak n’ya sa iba’t iba at sa kung sinu-sinong babae, kayang-kaya n’yang suportahan ang mga yon. Sa ngayon, may suspetsa kaming ang lihim na pangarap ni Manny ay sundan ang mga yapak ni Ramon Revilla Sr. na napababalitang may 92 anak (kabilang na ang misteryosong napatay na si Ramgen, at ang dalawa n’yang kapatid na umano’y utak ng pagpaslang sa kanya).

Di ba’t ambisyon din naman ni Manny na maging senador ng gaya ni Ramon Sr.? Nangarap din nga siyang maging action star, di ba?

Dahil sa mga napababalitang inaanakan ng bilyonaryong boksingero at party-list congressman ng General Santos City, masasabing ang ngayo’y 84 years old nang si Ramon Revilla Sr. ang lihim n’yang iniidolo.

Iniidolo rin naman ng mga Pinoy ang mga babaeng hindi hiniwalayan ang kanilang mga asawang may anak sa iba’t ibang babae. Si Susan Roces ang pangunahing halimbawa ng mga ganung babae. Hindi naman lingid sa kanya ang existence nina Lovi Poe at Ronian Poe mula pa nung mga paslit pa lang ang mga ito. (At hindi rin naman isinumpa at pinandirihan ng butihing sambayanang Pinoy ang mga ina nina Lovi at Ronian. Baka nga maraming Pinay ang nainggit pa sa mga nanay nina Lovi at Ronian!)

Kaya dapat lang nga sigurong itigil na ni Jinkee ang pagdadramang hihiwalayan n’ya ang bilyonaryo n’yang mister dahil kung sinu-sinong babae ang inaanakan nito. Mamaya n’yan, baka biglang si Manny ang makaisip na hiwalayan siya, sige siya, sayang ang bilyones ni Pacquiao na pinagpapasasaan niya at ng mga anak nila (na harinawa’y lumaking guwapo, magaganda, at matatalino!) At pag nakipaghiwalay siya kay Manny, makapag-asawa kaya siya uli nang kasing yaman ng Pinoy world boxing champ?

At sa sambayang Pilipino, humanda tayo na ilang taon mula ngayon, may mga batang mag-aartistang walang-takot na magsasabing anak sila ni Manny Pacquiao. No problem sa atin kung kasal man o hindi ang mga magulang ng mga iniidolo natin. After all, kapirasong papel lang naman ang kasal.

* * *  *

MAY nabasa ba kayong reaction ni Direk Carlo Caparas sa tax evasion case na isinampa sa kanya?

Kami, walang nabasa, at wala ring nabalitaan mula sa mga katoto namin sa panulat.

Isa pang kontrobersya yan na kinasangkutan ng isang showbiz icon a few weeks before mag-Undas. Umaatikabo sa kontrobersya ang Pinoy showbiz nitong last quarter ng 2011!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply