Paredes nagbitiw sa puwesto

Nagbitiw na si Atty. Zosimo Paredes III bilang tagapagsalita ng Department of National Defense (DND) at pinuno ng Office of Public Affairs (OPA) ng kagawaran.

Sinasabing nag-resign umano si Paredes noong Huwebes (Nobyembre 24) makaraang mapagalitan daw ni DND Chief Voltaire Gazmin dahil sa komento nito noong nakaraang linggo tungkol sa posibilidad ng paglulunsad ng isang “revolutionary government” ng pamahalaan.

Naging tahimik umano ang pagbibitiw ni Paredes at iniwan lang niya ang kanyang resignation letter sa kanyang mesa.

Samantala, kinumpirma ni Paredes na hindi nga nasiyahan si Gazmin sa kanyang mga binitiwang pahayag.

Inamin naman ni Gazmin na siya ay nagkamali sa pagtatalaga dahil hindi niya naisip na hindi mahihiwalay ang pagiging Defense spokesperson at pagiging law professor dati ni Paredes.

Hindi naman nagbigay ng komento ang Malakanyang sa pagbibitiw ni Paredes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply