Partnership for Growth sinelyuhan na

PORMAL nang nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario at US Secretary of State Hillary Rodham Clinton ang Joint Statement of Principles on the Partnership for Growth (PFG).

Sa pamamagitan aniya nito ay madaling mapagsama ang resources at technical expertise ng dalawang pamahalaan upang alisin ang anumang hadlang sa pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Tinatayang 15 ahensiya ng Estados Unidos ang aktibong kasali sa GPH sa ilalim ng PFG para mag-produce ng economic growth na magiging daan ng pagbabago sa mas maunlad na ekonomiya ng bansa.

Pinuri naman ni Sec. del Rosario ang PFG bilang “manifestation of the multi-dimensionality of PH-US engagement. It also affirms the Aquino administration’s relentless pursuit of a broad-based economic growth towards a direct and perceptible transformation on the quality of life of Filipinos.”

Binigyang diin naman ni Secretary Clinton na pinahahalagahan ng US ang economic at development ties nito sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asya na pinili ng Amerika para maging partner sa kanilang bagong uri ng engagement for development.

Napili ang Pilipinas dahil sa taglay na solid track record sa economic performance, democratic governance at investment sa tao nito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply