Parusa sa magnanakaw sa sementeryo pabibigatin

APRUB na sa Senate committee on justice and human rights ang panukalang batas ni Senadora Miriam Santiago na naglalayon na pabigatin ang parusa sa mga nagnanakaw sa mga sementeryo.

Napag-alaman na inihahanda na ang committee report upang mailatag na sa plenaryo ng chairman ng komite na si Senador Francis Escudero.

Kapag naisabatas na ang Senate Bill 1689 ay tatawaging itong “anti-grave robbers act” na kung saan 6-12 taong pagkakabilanggo ang pagdudusahan ng mga mapatutunayang nagnanakaw ng kahit maliit na bagay o artikulo mula sa puntod, sementeryo at pati sa mga monumento.

Binigyang diin ni Santiago na nararapat lang ang mabigat na parusa sa mga magnanakaw sa puntod dahil paglapastangan ito sa alaala ng mga namatay at nagdudulot ito ng hinagpis sa kaanak ng mga patay na pinagnanakawan.

Hindi rin umano dapat palagpasin ang mga tomb raider o mga magnanakaw sa puntod ng mga sinaunang tao gaya ng mga nagnakaw umano sa mga kalansay buhat sa mga kuweba ng mga Mangyan. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply