Pasahero ng PAL nanganak sa NAIA

ISANG pasaherong buntis ng Philippine Air Lines (PAL) ang nanganak sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, ilang minuto bago ito bumiyahe patungo sanang Ozamis City kaninang umaga, Nobyembre 25.

Nabatid na papasakay na si Cherlyn Rojo, 31, sa PAL flight PR 163 na nakatakdang umalis kaninang alas-9:25 ng umaga nang makaramdam ito ng pananakit sa likod.

Hindi inakala ni Rojo na manganganak na pala siya hanggang sa mapansin na lamang ng pinsan nitong si Richie Ann Hernandez na lumalabas na ang ulo ng kanyang sanggol.

Kaagad namang nirespundehan ng emergency personnel mula sa Manila International Airport Authority si Rojo kung saan dinala ang mag-ina sa sa Pasay City General Hospital.

Kapwa nasa ligtas na kalagayan ang si Rojo at ang kanyang bagong silang na sanggol na lalaki.

Planong pangalanan ng ina ang kanyang sanggol ng Ninoy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply