Pasahero ng PAL napaanak sa NAIA

ISANG papaalis na pasahero ang napaanak sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 kaninag umaga, ayon sa Manila International Airport Authority.

Kinilala ang pasahero na si Cherlyn Antipuesta Rojo, 31, na nakatakdang lumulan ng Philippine Airlines flight 163 patungong Ozamiz nang mapaanak ito sangang chair dakong alas-7:45 ng umaga.

Ayon kay Dr. Josefina C. Tria, airport’s medical officer on duty, habang naghihintay ng kanyang flight ang pasahero sa southwing departure waiting area sa terminal 2 nang biglang manakit ang kanyang likod.

Isang hindi nakikilalang pinsan nito na kasama niya sa paliparan ang humingi ng tulong sa ilang airport personnel na siya namang tumawag ng mga awtoridad makaraang lumalabas na ang bata sa ina.

Agad na dinala ang mag-ina sa Pasay City General Hospital matapos masuri ng MIAA medical team.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply