Pasay City Hall tinututukan na ng COA (2)

IPAGPATULOY natin ang ukol sa pagsugod ng isang audit team ng Commission on Audit sa Pasay City.

Hindi malayong lumantad ang katotohanan na maraming bilang ng casual employee at consultant na pinasusuweldo ng Pasay City Hall kada buwan ay pawang “hokus-pokus” o “pineke” lang ng ilang personalidad sa tanggapan ni Calixto.

Pineke dahil pangalan lang ang gamit at ang aktuwal na kumukubra ng sahod ng mga ito kada buwan ay ang sinasabing sindikato umano sa Office of the Mayor.

Pahayag ng isang katoto sa City Hall, tagilid itong isang alyas “Bimbo Tsubibo” dahil ang animal na ito ang isa sa may malaking kinalaman at partisipasyon sa pagpapaikot ng sindikato ng mga pekeng casual employee at consultant sa mga piling opisina ng Pasay City Hall.

Hindi ko sinasabi na may direktang koneksyon kay Calixto ang umano’y sindikatong ito.

Magkagayunman o hindi, nag-panic ang sindikato — maging si Calixto at ang mga “tuta”

niyang konsehal — nang magsampa si Claudio ng demanda sa Ombudsman may ilang buwan na

ang nakararaan.

Mukhang maganda ang pagkakatumbok ni Jojie Claudio sa isyung ito dahil kinilusan ng

COA.

Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, nagkaroon ng “emergency meeting” ang mga tutang konsehal ni Calixto sa isang restaurant sa Macapagal Avenue at ang paksa ng meeting ay kung paano reremedyuhan o “aayusin” ang naturang special audit team na karamihan sa
mga bumubuo ay pawang mga babae.

Ayon sa espiya ko, tumataginting na P5 milyon ang ihahanda diumano ng mga tutang konsehal ni Calixto para ipang-ayos umano sa mga miyembro ng special audit team.

Isiniwalat ko ito para makarating kaagad ng personal kay COA Commissioner Heidi

Mendoza at maalertuhan ang naturang audit team na ngayon ay nakikipag-usap na kay

Atty. Gabriel Espina, ang COA resident auditor sa Pasay City Hall. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply