Paslit durog sa trailer truck sa Caloocan

DUROG ang ulo ng isang bata matapos magulungan ng trailer truck habang ang una ay humahabol sa kanyang nanay Sabado ng hapon, Nov. 12  sa Samatad compound Tannigue St, Caloocan City.

Ang namatay sa mismong pinangyarihan ng aksidente ay si Princess Cotton, 3, panganay na anak ng mag-asawang Joel Cotto, 29 at Mercy, ng Blk 10 Lot 22, Dagat Dagatan, nasabing lungsod.

Mabilis namang tumalon at tumakas ang hindi pa nakikilalang killer driver na iniwan ang kanyang truck na may plakang RDZ 423 sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, ganap na 4:30 ng hapon nang masagasaan ang biktima ng truck sa Samatadd compound, Caloocan.

Nabatid na hinabol ng biktima ang kanyang ina na si Mercy papasok sa trabaho at hindi namalayan ng bata na parating ang nasabing truck hanggang sa biglang lamunin  ng hulihang gulong ng sasakyan.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang driver at ang may-ari ng truck.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply