Paslit ikinakadena ng ama

NASAGIP ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD) at Manila Social Welfare Department (MSWD) ang isang 6-anyos na batang babae na ikinadena sa poste ng kama ng kanyang ama sa Tondo, Maynila.

Ang pakakasagip sa biktima ay matapos na iutos ni Manila Mayor Alfredo Lim kina MSWD Chief Jay de la Fuente at MPD-Police Station 7 Station Commander Supt. Ernesto Barlam ang agad na pagresponde sa natanggap na sumbong na malimit umanong iniiwan ang bata  na nakakadena sa loob ng kanilang bahay.

Isang Lala Clemente ng District 1 ang umano’y nagsumbong nang makita ang pang-aabuso sa paslit sa isang bahay sa 734 Fajardo st. Tondo, Maynila ng kanilang ama na si Jun Battara.

Sa pangunguna ni  SPO1 Felimon Alimbon,  PO3 Ronnie Villanueva at PO1 Pamela Kanen  kasama ang mga social workers  na sina  Annabelle Ilaw at Helen Ramos ay pinuntahan ang tirahan ng bata.

Naabutan naman ng pusliya ay DSWD ang 6-anyos na nakakadena sa poste ng kama habang katabi nito ang 8-buwang kapatid nito.

Sa ngayon dinala sa Manila Boystown Complex ang dalawang bata  habang ang naarestong ama ng mga ito ay nakatakdang sampahan kasong paglabag sa Ordinance 8243 na nagpaparusa sa isang tao na mag-aabadona at  maglalantad sa isang menor de edad sa panganib.

Pinaghahanap na rin nga awtoridad ang nanay ng mga bata upang pagpaliwanagin sa ginagawang pagkakadena sa paslit na nagsimula pa umano noong buwan ng Mayo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply