Paslit kinagat sa mukha ng bomb sniffing dog ng PAL

INIIMBESTIGAHAN na ngayon ng mga awtoridad ang insidente ng pananakmal at pangangagat ng isang bomb sniffing dog ng Philippine Airlines sa isang dalawang-taong gulang na bata sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2 sa Pasay City..

Nabatid na patungo ang pamilya Lingaw kasama ang hindi pinangalanang bata sa Cebu upang magbakasyon subalit nagulat na lamang ang magulang nito nang biglang sumigaw ang bata at pumalahaw ng iyak sa tindi ng takot.

Sa ulat, napag-alaman na nakatulog umano ang dog handler na si Christopher Luwig at nagising na lang sa lakas ng sigaw ng magulang ng bata matapos makita na kagat ng aso sa mukha ang bata.

Una nang itinanggi ng Philippine Natiional Police (PNP) Aviation Police na hindi sa kanila ang aso at ito ay pag-aari ng PAL.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply