Paslit kritikal sa pagsabog sa Valenzuela; 3 pa sugatan

KRITIKAL ang isang 7-anyos na babae habang tatlo pa ang sugatan makaraang masabugan ng hindi malamang bomba sa Mendoza Compound, Bahay Pari Street sa General T. De Leon sa Valenzuela City.

Nalapnos ang mukha ni Cristine Joy Lugtu at sugatan din ang mga kapatid nitong sina Criselda, 5; Crisanto, 9; gayundin ang kanilang kalarong si Wilfredo Pelayo, 6.

Inaresto naman ang 43 anyos na si Jose Allan Tan na itinuturong nasa likod ng pagsabog.

Depensa ni Tan na nagsisiga lamang siya ng mga basura nang may biglang sumabog.

Narekober ng mga pulis ang blasting cap na ibinalot sa tanso sa pinangyarihan ng pagsabog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply