Paslit na nangaroling, nalunod sa sapa, dedo

HINDI na umabot sa Pasko ang isang siyam-na-taong gulang na batang lalaki nang mahulog ito sa sapa na naging dahilan ng kanyang pagkamatay sa lungsod ng Cebu, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na ipinarating sa Camp Crame ng Cebu PNP, namatay habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Julieto Villarin, Jr., 9, residente ng Sitio Mahayahay, A. Lopez St., Barangay Calamba, Cebu.

Sa salaysay ng tiyahin ng biktima na si Renelyn Oreloha, nagpaalam sa kanya ang pamangkin na mangangaroling sa mga dyip kasama ang dalawa nitong kaibigan.

Ikinagulat umano niya ng ipagbigay-alam sa kanya na isinugod sa pagamutan ang pamangkin matapos itong malunod sa isang sapa.

Napag-alaman na habang nangangaroling, nagkasundo umano ang tatlo na maligo sa sapa sa nasabing lugar na nakakonekta sa isang imburnal.

Bigla na lang umanong lumaki ang tubig na naging dahilan ng pagkalunod ng tatlong bata.

Agad namang sinaklolohan ng mga residente ang mga biktima, kung saan nailigtas ang dalawa nitong kaibigan, ngunit naiwan umano si Villarin matapos itong ma-trap sa loob ng imburnal.

Naisugod pa ang biktima sa Cebu City Medical Center ngunit pumanaw rin ito makaraan ang ilang oras.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply