Paslit pisak sa karo ng patay

NAMATAY sa pagsuwag ng karo ng patay ang isang batang lalaki sa Antique ngayong araw mismo kung kailan ginugunita ang Undas.

Dead on arrival sa Kalibo District Hospital (KDH) sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Leonel Rioja, 8-anyos ng Barangay Sta. Cruz, Pandan, Antique.

Sumuko naman agad sa Kalibo PNP, para harapin ang kasong reckless imprudence resulting to homicide ang drayber ng karo na si Guiller Alogao, 38-anyos residente rin sa nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa isang national highway ng Barangay Sta Cruz.

Bago ito, nabatid na nagmula ang karo sa Antique at tinatahak ang naturang highway pabalik sa funeral homes sa Kalibo nang biglang tumawid ang biktima.

Sa bilis ng pangyayari, nahagip agad ng suspek ang batang biktima na ang ulo ay minalas na mabagok sa isang matigas na bagay na nakahambalang sa kalsada na siyang dahilan ng kanyagn kamatayan.

Depensa naman ni Alogao, hindi naman mabilis ang kanyang pagmamaneho at iginiit na aksidente lamang ang nangyari dahil biglang tumawid ng bata sa kalsada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply