Passport, pera ng Arabo tinangay ng bebot

DUMULOG sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS), ang isang turistang Arabo, matapos umanong “dugain” ng isang bebot sa loob ng tinutuluyan nitong hotel sa Ermita, Maynila kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Saad Mohammad Aljaiyan, 34, tubong Riyadh, Alsarafa, Yassmen at pansamantalang nanunuluyan sa Lotus Garden Hotel na matatagpuan sa panulukan ng Mabini at Ermita sa Maynila.

Base sa reklamo ng biktima, kinuha umano ni Mary Grace Aquino, tinatayang nasa 20-25-anyos, ang kanyang pasaporte at P5,000 cash.

Nadiskubre umano ni Saad na nawawala ang kanyang passport at pera nang magising ito at wala na sa kanyang tabi ang bebot dakong alas-11 ngayong umaga .

Nakilala umano ng biktima ang suspek noong siya ay gumimik sa Ermita at isama ang suspek sa loob ng kanyang kuwarto para magpahiga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply