Pastor kalaboso sa pananampal sa totoy

SWAK sa kulungan ang isang pastor matapos sampalin ang isang kalugar na batang lalaki ng sa loob ng computer shop ng una sa Caloocan City kagabi (Nobyembre 23).

Nahaharap sa kasong physical injury in relation to child abuse si Nestor Guerrero, 47, ng Peras St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi, nasa loob ng computer shop sa loob ng bahay ng suspek ang 14-anyos na biktimang hindi pinangalanan nang lapitan si Guerrero at sampalin.

Umuwi ang biktima at nagsumbong sa kanyang nanay na naging dahilan upang samahan sa presinto at ipadakip ang suspek.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinagalit ng suspek sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply