Patas na presyo ng produktong petrolyo muling iginiit

SA KATAGALAN ng panahon na hindi na umuusad sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga panukala para sa pag-abolish ng oil deregulation law na pinaniniwalaang sanhi ng hindi kontroladong pagtataas ng presyo ng langis at petrolyo sa bansa ay muling iginiit ng isang kongresista ang pagproseso dito.

Hiniling ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa liderato ng Kamara ang pag-aksyon sa mga panukalang nagpapawalang saysay ng deregulasyon ng industriya ng langis para umiral ang patas na presyo ng produktong petrolyo.

Kabilang si Castelo, sa isa sa may-akda ng House Bill 5295 para sa nasabing layunin na ibalik na sa kontrol o regulasyon ng gobyerno ang industriya ng langis.

Nawawalan ng saysay ang nasabing batas sa deregulasyon na may mahaba na ring panahong pinaiiral upang gawing competitive ang merkado ng langis ngunit sa halip ay pinatatag pa nito ang kartel.

Iilan pa lamang ang nakakasuhan sa isyu ng kartel at kabilang na rito ang kinatawan ng LPGMA Party-list na si Arnel Ty.

Pinaninindigan naman ni Ty na hindi sila ang nagmamanipula ng presyuhan sa langis, kundi ang malalaking kompaniya ng langis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply