Patay sa sunog sa Quezon City, umakyat sa apat

UMAKYAT pa sa apat ang natusta nang buhay sa naganap na sunog sa National Irrigation Administration (NIA) Road sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Ito ay matapos makuha sa ikinasang retrieval operation ng awtoridad ang mga sunog na bangkay ng tatlong paslit na nakilalang sina Alfred John Alcala, 10-month old at ang kapatid nitong si Ariel Alcala 7-anyos at isa pang batang lalaki na ang edad ay 10-12 anyos.

Nauna rito, iniulat ng Bureau of Fire Protection na (BFP) na may isang hindi nakikilalang lalaki ang namatay sa sunog nang sumiklab masunog ang may 500 kabahayan sa  NIA Road, Barangay Pinyahan dakong ala-1 ng madaling-araw.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Ronilo Pangatungan nang mabuwal umano ang kandilang may sindi.

Umabot sa 1,500 pamilya ang nawalan ng bahay at umabot naman sa P7 milyon ang naabong mga ari-arian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply