Pati lumpo kinokotongan ng pulis Maynila

ANO ba namang klaseng pulis itong si PO3 Rommel Diaz ng Manila City Hall?

Walang patawad!

Bakit kanyo?

E pati ba naman ‘yung lumpong cigarette vendor sa Central Market ay kinokotongan pa ng P100 tuwing Sabado ng tarantadong pulis na  ito.

Mantakin ninyo, pambili na lamang ng pagkain ng mamang lumpo ang isang daang pisong kinita nito mula sa maghapong pagtitinda nito ng sigarilyo  ay maatim pang kikilan ng walanghiyang pulis na ito.

Ang askad naman ng sikmura ng pulis na ito. Biruin ninyo, nakaya pa ng ‘power’ ng ugok na ito na ipalamon sa pamilya niya ang isang daang pisong pinaghihirapan ng isang mamang lumpo.

Tingnan ninyo, kung hindi ba naman walanghiya ang mamang pulis na ‘yan, PO3 pa lamang ang ugok na ‘yan ay sobra na kung mangotong.

E, paano pa kung siya ay maging sarhento, tinyente, kapitan, kernel o heneral?

Ang mga katulad na pulis ni PO3 Diaz ang dapat na ipinatatapon ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Mahirap kasing naririto ang walanghiyang ‘yan baka mas lalo pang dumami ang mga lumpo na makokotongan niya.

PERGALAN PADER KAY GOV. ALVARADO

Tuloy pa rin daw ang peryahan na front ng iligal na pasugalan ng mag-among Lourdes Tomboy at locator nitong si Leo sa Sto. Cristo, Maharlika Hi-way, Pulilan, Bulacan.

Malakas at bagyo ang mag-amo kina Bulacan Gov. Willy Alvarado kaya hindi natitinag ang peryahan nito na matagal nang inirereklamo ng mga Bulakenyo.

LOTENG PROTEKTADO NG  EPD DIRECTOR

Sa Pasig, Mandaluyong at San Juan naman ang bookies ng lotteng nina Cris at Rose. ‘Di matinag-tinag dahil malaki ang lagay sa kapulisan ng EPD.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply