Patuloy na panggigipit kay GMA binatikos

HINDI usapin ng awa o kunsiderasyon sa kalagayan ngayon ng dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kungdi ng karapatan nito na makapagbiyahe “without any impediment or restraint.”

Tinukoy ni House Minority Leader at Albay Rep. Edcel Lagman ang nakasaad sa Bill of Rights na nagsasabing: “neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety or public health, as may be provided by law.”

Paglilinaw pa ni Lagman na hanggang ngayon ay wala pa ring kasong nakahain sa korte laban kay dating Pangulong Arroyo upang harangin ang kahilingan nitong malayang makapagbiyahe sa ibang bansa.

Si Lagman ay naunang naghain ng House Bill No. 5111 o “An Act Upholding the Constitutional Right to Travel and Granting to the Proper Court the Exclusive Jurisdiction to Issue Hold Departure Orders” na nagsasaad na mapagbabawalan lamang ang isang Filipino na makapagbiyahe kung ang maglalabas ng hold departure order ay ang korte at hindi ang watchlist order lamang ng Department of Justice (DOJ).

Samantala, binalewala lamang ni Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez ang paratang ng Malakanyang na nagiging doktor-doktoran na siya ni Ginang Arroyo.

Ipinaliwanag ni Suarez na binabasa niya lamang ang kondisyon ngayon ng dating Pangulo base sa ipinalabas na medical abstract ng St. Lukes Medical Center.

Hindi na rin aniya nagtataka ang kampo ni Arroyo, maging ang mga kaalyado nito sa ginagawang pagbinbin sa pagbiyahe ng kongresista dahil sa “marching order” na huwag na nga itong payagan ng Department of Justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply