Pay rules para sa Nob. 7 inilabas ng Dole

HINIKAYAT ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga private sector employers na sumunod sa tamang pay rules at core labor standards tuwing holidays.

Kasunod ito ng pagpapalabas ng Department of Labor and Employment (Dole) sa pay rules para sa Lunes (Nobyembre 7) para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ang nasabing petsa ay idineklara ng Malacañang na regular holiday sa ilalim ng Proclamation no.276.

Sa pay rules para sa Nob. 7, nakasaad na ang mga manggagawa na may pasok ay makakatanggap ng 200% ng kanyang basic wage sa unang walong oras at may karagdagang 30% bawat oras kapag lumagpas sa walong oras ang kanyang trabaho .

Kapag ang isang empleyado naman ay walang pasok  sa Nob.7 ,pagkakalooban naman ito ng 100% ng kanyang regular daily rate sakaling siya ay “present” o naka-leave with pay sa araw na itinakda ang holiday.

Babayaran naman ng 260% sa kanyang daily rate sa unang walong oras ang mga empleyado kapag pahinga nito at kalangang pumasok at karagdagang 30%  para sa trabahong sobra sa walong oras sa nasabing araw.

Sakali namang ang araw ng holiday ay nauna sa non-working day sa mga establisyimento at iskedyul ng pahinga ng mga manggagawa, dapat pa rin itong bayaran ng regular holiday pay at hindi maikokonsiderang on leave sa nasabing araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply