PCG: Hindi lumubog ang MV Oceanic Union

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi lumubog ang Panamanian ship na MV Oceanic Union sa kagaratan sakop ng Ilocos Norte.

Ayon kay Lt. Jr. Grade Dennis Rafal ng Philippine Coast Guard (PCG), inabisuhan sila ng Hong Kong Rescue Coordinating Center (HRCC) na i-rescue ang nasabing barko dahil nakatanggap ito ng distress call mula sa kapitan.

Dahil dito, agad na nagpadala ng chopper ang PCG upang matunton ang kinaroroonan ng nasabing barko.

Ang MV Oceanic Union ay muntikan umanong lumubog matapos na pasukin ng tubig na naging dahilan naman upang magpasaklolo ang kapitan .

Nabatid na may sakay na 20 tripulante ang MV Oceanic Union ngunit inaalam pa ang kanilang nationality.

Sila ngayon ay nasa 45 nautical miles kanluran ng Dasul, Pangasinan.

Dagdag pa ng opsiyal na wala naman aniyang nangyaring masama sa mga tripulante. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply