PCG: Sumadsad na cargo vessel, nahila na

MATAPOS ang isang linggong pagkakasadsad sa baybayin ng Sagñay, Camarines Sur ng isang  cargo vessel, ay ligtas na rin itong nahila upang makapaglayag.

Ayon kay Petty Officer 2 Leonor Alapag ng Philippine Coastguard (PCG)-Nato, nasa Tabaco City, Albay na ang MV Jeric Jail na pag-aari ng Eastern Island Shipping Corporation na kinailangang hilain ng MV Fernando at isang roll-on roll-off (Ro-Ro) boat upang tuluyang makaabante.

Gayunman, sinabi ni Alapag na kailangan pang ayusin o kumpunihin ang barko dahil may mga ilang butas na nakita sa ilalim nito sa isinagawang underwater inspection na aniya ay dahil sa pagkakasadsad nito bunsod ng malakas na ulan, hangin at alon sa dagat.

Iimbestigahan naman ng PCG kung may pagkukulang ang kapitan at tripulante ng nasabing barko sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply