PDEA: Batang ‘tulak’ dumarami

NAALARMA na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagdami ng mga menor de edad na nahuhuling nagtutulak ng iligal na droga

Ayon kay PDEA Public Information Office Chief Evangeline Almenario, umabot na sa 874 ang bilang ng mga menor de edad na naaarestong nagtutulak ng iligal na droga mula pa noong 2003 subalit ngayong taon pumalo na ito sa 125 kumpara sa naitalang 116 noong nakaraang taon.

Sinisisi ng PDEA ang Juvenile Justice and Welfare Law kung bakit dumarami ang menor de edad na nahuhuli sa nabanggit na masamang gawain.

Sinabi ni Almenario na sinasamantala ng mga drug lord na gamitin ang mga bata na tiyak na makalulusot sa kaso dahil na rin sa Juvenile Justice Law.

Kamakailan, may naaresto ang PDEA na isang 15-anyos na high school student na nagbebenta ng marijuana sa kapwa estudyante.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply