PDEA chief boksingerong magaling manuntok

HINDI lang pala magaling na boksingero itong si Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office-NCR Regional Director, Ret. Gen. Pedrito Magsino, magaling din itong “manuntok” sa kanyang mga abusadong operatiba.

Hindi nakapagtataka kung bakit marami nang operatiba ng PDEA RO-NCR na dating MMRO ang tumino dahil sa pagiging magaling umanong pagdidisiplina nitong si Magsino.

At dahil dito ay saludo ako sa inyo Ret. Gen. Magsino, dahil talagang ginamitan mo ng kamay na bakal ang ilang abusado ninyong tauhan na nasangkot noon sa mga kasong hulidap.

Nakaganda umano sa nasabing departamento ang ginawang paghigpit at pag-control nitong si Ret. Gen. Magsino sa budget ng kanyang tanggapan dahil natutong magtipid ang kanyang mga tauhan.

Sinasabing kaya umano naghigpit si Magsino dahil malaki umano ang utang ng nasabing departamento noong mga nakalipas na administrasyon bukod pa sa ilang problema.

Maging ang tatlong sasakyan ng RO-NCR na mga luma na ay kailangang palitan na ang mga pintura at kailangang maipaayos na rin dahil basang-basa na ang mga ito at hindi na puwedeng makipaghabulan sa mga magagarang sasakyan ng mga taong sangkot sa droga.

May malaking dahilan pala ang pagiging “boksingero” nitong si Ret. Gen. Pedrito Magsino, dahil sa kanyang malalakas na suntok ay tumino ang ilan sa kanyang mga gagong tauhan.

Sige nga po, Ret. Gen. Magsino, suntukin mo pa sila ng suntukin hanggang sa tumino lahat ang iyong mga tiwaling tauhan.

Ayon sa nakarating na impormasyon sa inyong lingkod hindi umano magawang maipaayos ang tatlong sasakyan ng PDEA RO-NCR at mapalitan ng pintura dahil sa pakikialam ng logistics at ng Human Resources Service (HRU) ng PDEA kaya hindi ito mabigyan ng kaukulang pondo.

Kung mayroon mang dapat bigyan ng magagandang sasakyan diyan sa PDEA ito ay ang mga operating unit, kabilang na ang RO-NCR.

Ano itong reklamo ng ilan sa ating mga kasamahan sa hanapbuhay na ipinagmamaramot daw ng logistics ang gym ng PDEA sa reporters dahil nababanatan ng Lily’s Files ang ahensiya.

Mga Sir, ang babaw naman yata ng dahilan ninyo, ako lang ang bumabanat sa inyo, hindi ang mga kasamahan ko kaya dapat sa akin lang rin kayo magalit. Kung galit kayo kay Juan kay Juan lang huwag niyo na sanang isama pa sa galit ninyo si Pedro.

Para sa PDEA, kung gusto ninyong magbigay ng inyong panig ay puwede ninyo akong tawagan sa cellphone number 09155683000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply