PEACe bonds pormal nang kakalkalin

PORMAL nang naghain ng resolusyon si Sen. Jinggoy Estrada upang tuluyang kalkalin ng kinauukulang komite ng Senado ang kontrobersiyal na Poverty Eradication and Alleviation Certificates (PEACe) Bonds at matunghayan kung agrabiyado ang pamahalaan.

Sa ilalim ng Senate Resolution No. 638, nanawagan si Estrada sa Blue Ribbon committee at Senate committee on ways and means, na magsagawa kaagad ng imbestigasyon sa proseso ng pagpapautang ng gobyerno na may kaugnayan sa pagpapalabas ng PEACe bonds at tukuyin kung sino ang responsableng opisyal sa kasunduan.

Naunang nagsagawa ng imbestigasyon ang Senate committee on finance noong 2002 pero hindi nakagawa ng official report.

Nagpalabas ang gobyerno ng PEACe Bonds na isang ten-year zero coupon bonds sa pamamagitan ng Bureau of Treasury, na ipinasubasta noong Oktubre 16, 2011.

Binabayaran ang gobyerno ng P10 bilyon pero kailangan magbayad naman ito ng P35 bilyon pagkatapos ng sampung taon na naganap noong nakaraang buwan.

Sinabi pa ni Estrada na nababalot ang paggagawad ng bonds ng impluwensiya, peddling, political payback at potensiyal na salungat sa interes na siyang hinala ng ilang financial analyst at observers.

“It is clear from the [foregoing] facts that the government issued bonds for the benefit of a private institution and paid some 35 billion pesos out of taxpayer’s money when the bonds mature in contravention and in violation of the spirit of Constitution wherein no money shall be paid out of the Treasury except pursuant to an appropriation made by law,” giit ng resolusyon.

“We are all for poverty eradication and active civil society participation. But we must make sure that all anti-poverty efforts fall within what is legal and what is truly effective, and not making use of pro-poor agenda only to enrich oneself,” patapos ng senador.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply