Peaceful end ng 2011 Bar exam naitala

NAGPASALAMAT ang Korte Suprema sa mapayapang pagtatapos kanina ng kauna-unahang Bar examination sa bagong venue sa University of Santo Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila.

Ito’y sa kabila ng apat na linggong pagsusulit na sinabayan pa ng pagtatangkang sirain ang kredibilidad ng 2011 Bar exam sa pamamagitan ng pagpapalutang ng isyung leakage.

Ayon kay Supreme Court Bar Confidant and Deputy Clerk of Court Atty. Ma. Cristina Layusa, 6,200 ang kumuha ng pagsusulit mula sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa kaya hindi ito madaling i-handle.

Dahil dito, maituturing na umanong tagumpay ang payapang pagtatapos ng pagsusulit sa bagong lugar na may bagong schedule.

Matatandaang malaking preparasyon ang inihanda ng mga awtoridad, partikular na ang Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigation (NBI) para matiyak ang seguridad ng mga kukuha ng Bar exam at upang huwag nang maulit ang nangyari noong Setyembre 26, 2010 na Bar exam blast sa De La Salle University, kung saan dose-dosena ang nasaktan at may ilan pang naputulan ng paa.

Ilalabas ang resulta ng Bar examination sa susunod na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply