Pekeng footwear importer, broker kinasuhan ng smuggling ng BOC

SINAMPAHAN ng kasong smuggling ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang importer at brokers ng counterfeit goods, food products at gamot na nagkakahalaga ng P22,784,254 Department of Justice (DOJ) kaninang umaga.

Ang respondent na si Rodolfo Yabut at iba pa, may-ari ng YSM Star Trading ay kinasuhan ng paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP), Intellectual Property Code of the Philippines at ng Revised Penal Code.

Ang kargamento na nasa dalawang 40-foot containers ay hinuli ng mga operatiba ng Enforcement Group sa ilalim ni  Deputy Commissioner Horacio Suansing Jr.

Kabilang din sa kinasuhan ay ang mga respondents na sina J-Anne Alfonso-Tabilla at Custodio Mendoza Vestidas, Jr., licensed Customs brokers ng YSM Star Trading.

Ang kotrabando na idineklerang “footwear” ay natagpuang naglalaman ng assorted counterfeit goods kabilang ang mga footwears, band aid at plastic mediplast strips at mighty bond glue.

Ang iba pang misdeclared items ay bigas, rice flour, Knorr sinigang mix, Ajinomoto, Crispy Fry at Ginisa Mix at Maggi Magic Sarap.

Iginiit ni Biazon na “health and safety of the public may be jeopardized if counterfeiting is left unchecked.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply