Pekeng pera kumakalat sa Masbate

NAGBABALA ang mga awtoridad sa publiko kaugnay sa kumakalat na pekeng pera sa sa Masbate.

Iniulat ngayon ni Ramesis Sison ng Masbate City Communications and Relations Office na sa mga nakaraang araw, lumapag sa kamay ng tatlong inosenteng mamamayan ang pekeng P1,000.

Sa bayan naman ng Milagros, nahuli ng nakaraang buwan ang isang babae na kinilalang si Anna Mae Alba at isang menor-de-edad na sinasabing kasabwat nito matapos ibayad sa mga tindahan ang mga pekeng P500.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan sa sindikatong nasa likod ng mga pekeng pera, samantalang gumagawa na ang lokal na pamahalaan ng information campaign upang bigyan ng babala ang mga negosyante at publiko kaugnay ng pagkalat ng pekeng pera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply