Pera na pondo ng Ayala Groups, dinidedal ng NHA?

ANAK ng put..@#$&.. Pati ba namang mga iskwater na itinapon sa mga relocation site sa Southville Brgy. San Isidro, Montalban ay pinagkakakitaan pa ng mga tarantadong taga-National Housing Authority (NHA) at mga barangay official ng Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Tingnan ninyo ang mga kahayupan ng mga opisyal na ito.

‘Yung pera na ipinondo ng Ayala Group sa mga residente ng Brgy. Ba-gong Pag-asa, Quezon City para sa relocation ng mga ito sa Southville, Brgy. San Isidro ay dinedal (dinekwat) pa ng mga ito.

Ay ang tao nga naman, pagdating sa pera ay napakadaling masilaw ang mga ito.

Aba, kung totoo ito ay dapat na kumilos ang mga kinauukulan partikular na ang head office ng NHA.

Pati nga raw ang pangalan ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista’ ay idinadawit ng mga ulol na ito sa mga transaksyon na nangyayari sa relokasyon sa Montalban.

Miniting daw sila ng mga tarantadong taga-NHA at mga nabanggit na barangay official na magpapautang daw si Mayor Bistek ng P20K sa bawat pamilya at ang bayad daw dito ay isasabay nila sa kanilang pagbayad sa  bayarin  sa bahay. (ITUTULOY)

VK NI KAPITANA, PADER KAY HEPE

Wala pa ring tigil ang talamak na operasyon ng mga video-karera ng tinaguriang  ‘VK Queen’ na si Kapitana Bebot dela Cruz sa Dagupan City, Pangasinan.

Nakatunganga lang si Dagupan chief of police Supt. Romeo Caramat.

Bakit kaya? Magkano kaya ang parating ni Kapitana kay colonel?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply