Peryahan sa Cotabato pinasabog: 1 patay, 22 grabe

NASAWI ang isang lalaki at 22 naman ang sugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada ng hindi nakilalang lalaki sa isang peryahan sa Barangay Poblacion, Carmen, Cotabato, Lunes ng gabi, Nobyembre 14.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan si Joseph Tumelden, 30, dahil sa matinding tama ng shrapnel sa dibdib mula sa pinasabog na granada bandang alas 9:40 ng gabi.

Hinagis ang granada sa mga nagtitipong mga tao sa peryahan kasabay ng pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Carmen.

Tinututukan naman ng awtoridad ang personal na motibo sa pagpapasabog at malayo umano ang anggulong terorismo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply