Petisyon ng mga Arroyo nai-raffle na

NAI-RAFFLE na ng Korte Suprema ang magkahiwalay na petisyon nina dating Pangulong Gloria Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo na kumukwestyon sa legalidad ng circular na nagbibigay kapangyarihan sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng watch list order (WLO).

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Midas Marquez, nagsagawa ng raffle ang en banc raffle committee kanina at napunta ang petisyon sa dalawang mahistrado na hindi muna niya pinangalanan.

Sinabi ni Marquez na matapos magsagawa ng preliminary evaluation ay bahala nang mag-usap ang dalawang mahistrado kung iko-consolidate ang dalawang petisyon.

Inihayag pa ni Marquez na posibleng bukas malaman kung magpapalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa ipinalabas na WLO ng DOJ laban sa mag-asawang Arroyo.

Sa presscon naman sa Malakanyang, inamin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pinaghahandaan na ng gobyerno sakaling maglabas ng TRO ang Supreme Court.

Handa naman ang pangulo na makipag-usap kay Ginang Arroyo kung kinakailangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply