Petisyon vs Comelec-DOJ panel delaying tactic lang – Brillantes

INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na ang paghahain ng petisyon sa Supreme Court ng kampo ni dating First Gentleman Mike Arroyo ay maituturing na delaying tactics upang pigilan ang pag-iral ng joint Comelec-DOJ investigating committee.

Ang naturang petisyon ay kaugnay sa pagkuwestiyon ng mga Arroyo sa teknikal na aspeto ng binuong lupon.

Ayon kay Brillantes,na sasagutin nila ang lahat ng pagtutol ng alinmang panig o kampo kung mabibigyan lamang sila ng sapat na panahon.

Aniya, sapat ang kanilang basehan sa legalidad pati na sa existing jurisdiction ng Department of Justice at Comelec para humawak ng mga usaping may kaugnayan sa eleksyon.

Inaasahan umano nilang bibigyan ng matimbang na paghatol ng Korte Suprema ang naturang usapin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply