Petron kinuha ang liderato

PINATALSIK ng Petron Blaze Boosters ang Alaska Aces sa kontensyon matapos ang 90-85 panalo ng una sa nagaganap na 2011-12 PBA Philippine Cup elims sa Smart Araneta Coliseum kagabi (Nobyembre 29).

Lumakas ang tsansa ng Boosters na makakuha ng twice-to-beat incentive para sa top 2 teams dahil nakuha nila ang solo liderato na may 9-3 win-loss slate.

Nasa likod ng Petron ang Talk ‘N Text Tropang Texters at B-Meg Llamados na may 8-3 at 8-4 panalo talo ayon sa pagkakasunod.

Nawalan ng signal sa ikalawang sunod na laban ang Tropang Texters matapos silang pupugin ng Llamados, 104-114 sa second game kagabi.

Noong Linggo ay lumuhod ng todo ang Tropa sa Powerade Tigers, 96-131.

Si James Yap ang kumahig ng maraming puntos para sa B-Meg na may 27 points habang double-double si Kerby Raymundo sa tinalang 20 markers at 12 rebounds.

Tumulong din sina Josh Urbiztondo (15 pts.) at PJ Simon (11 pts.).

Sa Biyernes (Disyembre 2) ay nakatakdang makipagtuos ang Boosters sa crowd favorite Barangay Ginebra sa alas-7;30 ng gabi sa nasabing venue habang sa unang sultada ay maghaharap ang Meralco Bolts at Tigers sa alas-5:15 ng hapon. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply