PH envoy to China Domingo Lee binigo ng CA

BIGONG makalusot sa Commission on Appointments si Philippine ambassador to China Domingo Lee makaraang walang sumuporta sa kanyang appointment.

Sa kanyang pagharap sa CA, ginisa ng mga senador ang opisyal dahil sa kawalan nito ng sapat na kaalaman at kakayahan para sa nabanggit na posisyon.

Pinagpaliwanag pa ni Sen. Serge Osmeña si Lee kung ano ang ibig kahulugan ng mga salitang “diplomacy,” “track one diplomacy” at “hard power.”

Ginawa rin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na baybayin sa opisyal ang salitang “hard.”

Sa huli, inamin din ni Lee na hindi niya alam ang kahulugan ng mga salita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply