PH no. 8 sa 35 bansang mabuting magtrato

DAHIL sa maraming pagsubok at problemang kinahaharap ng bansa, mula sa sunod-sunod na mga kalamidad at kapahamakan hanggang sa walang katuturang mga pagpatay at lumalalang kaguluhan sa Mindanao, halos puro negatibo ang mga balitang inire-report ng media sa publiko.

Para maiba naman ay narito ang magandang balita na nakatataba ng puso at nakapagpapangiti!

Iniulat ng World Economic Forum na nakabase sa Geneva na nananatili ang Pilipinas sa talaan ng 10 nangungunang ban-sa na nagkakaloob sa kababaihan ng mga pagkakataon at karapatang kapantay ng sa kalalakihan.

Batay sa WEF Global Gender Gap rankings, mula sa pang-siyam na puwesto noong nakaraang taon pumang-walo ang Pilipinas ngayon sa 135 bansa.

Ang pagpili ay ibinatay sa apat na kategorya: tinapos na pag-aaral, kalusugan at pananatiling buhay, ginagampanang papel sa ekonomiya at oportunidad, partisipasyon sa pulitika.

Nakatutuwa at dapat nating ipagmalaki na nakakuha ang Pilipinas ng “perfect score’’ sa ilalim ng kategoryang pag-aaral na natapos na kasama ng 21 bansa kabilang ang Estados Unidos at Gran Britania.

Hindi nakapagtataka ito. Sa Pilipinas kung ano ang pribilehiyo at benepisyong natatanggap ng mga lalaki ay tinatanggap din ng mga babae. Kung may mga pinunong halal na lalaki ay mayroon ding halal na mga babae sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso. May mga gobernador at mga alkaldeng babae. Sa katunayan, nagkaroon din tayo ng dalawang Presidenteng babae.

Sa maraming bagay ay kapantay na kundi man nakauungos pa nga sa mga lalaki ang mga babae.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng Grant Ghorton International hawak ng kababaihan ang 47 bahagdan ng senior management positions sa bansa.

Sa isyu ng haba ng buhay, tumabla ang Pilipinas sa 37 iba pang mga bansa. Sa kalahatan, mas mahaba ang buhay ng Filipina kaysa kalalakihan.

Maraming magagandang bagay at mga pagbabagong nagaganap sa Pilipinas na hindi natin mababasa sa mga peryo-diko, mapapanood sa t.v. at maririnig sa radio. Naniniwala tayo sa kabutihan ng negative journalism na sumasalamin sa tunay na larawan ng bansa. Ito rin bukod sa kita sa paanunsiyo at sirkulasyon ang dugong bumu-buhay sa industriya ng media.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply