PAL, Qantas muntik magsalpukan

NAKALUSOT sa tiyak na kamatayan ang mga crew at 385 na pasahero ng Philippine Airlines PR 103 nang muntik nang bumangga sa Qantas Airlines ng Australia sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles California USA.

Ito ang nabatid makaraang makapanayam ng Remate sa San Francisco ang pasahero na nakilala lamang sa pangalang  Richmond na nagmula pa sa Los Angeles at dalawang araw na stranded dahil sa muntikang maganap na aksidente.

Napag-alamang paangat na sana ang nguso ng eroplanong Boeing 747 flight PR103 nang bigla na lang may tumawid na eroplano sa harap nito kung kaya napilitang ibaba muli ng piloto ang PR103 at sapilitang ipreno ang eroplano.

Bunga ng nasabing biglang pagbaba at pagtigil ng eroplano ay sumabog umano at lumiyab ang walong gulong nito na tuluyang ikinasira ng eroplano.

Huwebes na ng gabi sa Amerika nang tangkaing lumipad ng PR 103 na inaasahang darating sana sa Ninoy Aquino International Airport noong Sabado ng madaling-araw.

Dalawang gabing naka-check in sa Holiday Inn Hotel ang mga pasaherong stranded na papuntang Pilipinas ngunit karamihan dito ay pinalipad na gamit ang United Airlines patungong San Francisco para sa PR105 na lamang sumakay ang mga ito.

Nabatid na ililipat sana sa PR903 ngunit na-delay din ang replacement na eroplanong gagamitin.

Kaugnay ng nasabing aksidente, malaki ang hinala ng mga pasahero na nagkamali ang air traffic controller ng Los Angeles kung kaya nangyari ang nasabing problema.

“Nagulat na lang kami kasi sa runway kami pinababa, then ang daming ambulansiya at bumbero,” ayon pa sa nasabing pasahero.

Taliwas naman ang ibinigay na rason ng pamunuan ng PAL kung saan pinabulaanan nito na nagkaroon ng muntikang banggaan ang eroplano ng Qantas at PAL

Sinabi nito na base sa report na nakarating sa Pilipinas, may umilaw umano sa cockpit ng naturang eroplano kung kaya agad na nagdesisyon ang piloto na hindi ituloy ang paglipad.

Sa kasalukuyan, masusi pang iniimbestigahan ng PAL ang nasabing pangyayari kung saan kamakailan lang ay isa ring eroplano nitong PR 102 ang nagkaroon ng problema sa landing gear na lulan ang kontrobersiyal na talent manager na si Annabelle Rama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply