Philippine Azkals U23 sinakmal ang Laos sa SEA Games, 3-2

NAKAMIT na rin ng Philippine Team Azkals Under 23 ang unang panalo matapos na gapiin ang Team Laos, sa iskor na 3-2, sa nagpapatuloy na ika-26 Southeast Asian (SEA) Games football competition.

Naungusan ng isang puntos ng Pinas ang Laos matapos ang isang buzzer beater goal ni Joshua Beloya.

Una rito, sa ika-pitong minuto pa lamang ng laro ay naka-goal na ang Pinoy na si Manuel Ott (1-0) , ngunit nakabawi ang Laos at naka-dalawang puntos upang malagpasan ng isang puntos ang Pinas.

Muling binuhay ni Beloya ang laban ng Azkals nang muling makapuntos at itabla ang iskor sa 2-all bago ang winning goal makalipas lang ang ilang minuto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply