Philippine Bigtime Billiards Face Off Series: Orcollo vs Souquet umiinit

BAGAMA’T ramdam na ang kalamigan ng panahon dahil sa panahon ng Kapaskuhan ay umiinit na ang nalalapit na salpukan nina World No.1 at World 8-ball Champion Dennis “Robocop” Orcollo laban kay World Pool Masters ruler Ralf “Kaiser” Souquet ng Germany sa pagsargo ng Philippine Bigtime Billiards (PBB) Face Off Series sa Sabado, Nobyembre 5, sa Pagcor Airport Casino sa Parañaque City.

“Puspusan na ang ginagawa kong paghahanda ngayon. Titiyakin ko na mananalo ako kay Souquet,” sabi ni Orcollo, top player ng Bugsy Promotions na natalo kay Souquet, 8-5, sa World Pool Masters finals nitong nakaraang buwan sa Manila.

“Nag-50 to 60 racks ako sa isang araw, kasama na din ang paglalaro ng table tennis, pag swimming, jogging bilang paghahanda ko sa PBB Face Off Series,” ani ng dating mangingisda sa Bislig, Surigao del Sur kung saan gagamitin din ang PBB Face Off Series sa kanyang paghahanda sa nalalapit na Southeast Asian Games sa ikalawang linggo ng Nobyembre sa Indonesia.

“Ibubuhos ko na lahat dito para sa bayan,” pagtatapos ni Orcollo.

Si Souquet, dating World 8-ball at 9-ball champion ay darating sa bansa bukas (Nobyembre 2), sakto lamang sa araw ng press conference sa Billiards Managers and Players Association of the Philippines (BMPAP) headquarters sa Quezon City.

“I will do my very best,” ani Souquet.

Ang  PBB Face Off ay handog ng Mega Sports World at BRKHRD Corp sa pakikipagtulungan ng PAGCOR, PCSO, ACCEL, Diamond Table, Predator cues, Simonis cloth, San Miguel Beer Pale Pilsen, Malungai Life Oil, I-Bar, Human Plus Probiotics, Golden Leaf Restaurant, Hermes Sports, BMPAP at Philippine Star bilang official media partner.

Ipatutupad ang race-to-9 10-ball affair kung saan ang Face Off ay magbibigay sa Philippine billiards ng milestone na kauna-unahang isasahimpapawid worldwide mula sa Internet sa www.megasportsworld.com at Solar Sports, Sky Channel 70 at Destiny Channel 34 tuwing Sabado.

Ang Orcollo-Souquet match ay mangunguna sa series of challenge matches na isinagawa ng Mega Sports World at BRKHRD Corp.

Ang iba pang naka iskeydyul na laban: Carlo Biado vs. kay Souquet (Nob.12), Ronato Alcano vs. Daryl Peach ng Great Britain (Nob.19) at Francisco “Django” Bustamante vs. Peach (Nob.26).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply