Philippine team naburo sa ika-anim puwesto sa SEAG

NABURO na sa 6th place ang Pilipinas sa ginaganap na 26th Southeast Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Habang isinusulat ito, hawak ng bansa ang 27 gold, 47 silver, 71 bronze at 145 medals lahat.

Nangunguna pa rin ang Indonesia na may 155 gold at 403 sa kabuuan.

Pumangalawa naman ang Thailand na may 95 gold at 285 lahat.

Ang Vietnam ay nakasungkit ng 87 ginto at 263 sa kabuuan kaya pangatlo na ito.

Ang Malaysia ay pang-apat na may 52 ginto, 167 ang lahat habang ang Singapore na panglima ay may 41 ginto at 145 sa kabuuan.

Kanina ay nakuha ng Sinag Pilipinas ang ginto para sa basketball matapos gibain ang Thailand, 85-57, sa pangunguna ni coach Norman Black.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply