PI sa maanomalyang chopper deal uumpisahan na

IKINASA na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang investigation report na nagrerekomenda ng preliminary investigation at administrative adjudication hinggil sa maanomalyang pagbili ng dalawang light police operational helicopters ng Philippine National Police (PNP).

Sa 98 pahinang investigation report, nakakita ang panel ng sapat na ebidensiya para maghain ng kriminal at administrative charges laban kina dating First Gentleman Mike Arroyo, dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno, dating PNP Chief Jesus Versoza, National Police Commission (Napolcom) Director Conrado Sumanga Jr. at 32 iba pa.

Ihahain ng special fact-finding investigators ang formal complaint sa binuong special panel of investigating prosecutors na binigyan naman ng 60 araw para gawin ang preliminary investigation at buuin ang kanilang report at rekomendasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply