Pick-up sumirko sa Batangas: 2 patay, 21 sugatan

PATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa sumirko-sirkong pick-up na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat naman ng 21 sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) sa lalawigan ng Batangas kaninang umaga.

Namatay ang dalawang sakay ng nasabing pick-up kabilang na ang drayber nito at nasugatan ang 21 sakay nito.

Ayon kay SPO1 Marlon Petisanan ng Malvar PNP, sumabog ang kaliwang gulong sa likod at umikot-ikot ang nasabing sasakyan kasabay ng pagtilapon ng mga pasahero nito.

Dinala sa dalawang pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima.

Ayaw pang pangalanan ng pulisya ang mga nasawi dahil una umano nilang ipagbibigay alam ito sa kanilang mga kaanak at kumpanyang pinagtatrabahuhan.

Hinihinalang over-loaded umano ang pick-up at ipagpapatuloy umano ng pulisya ang kanilang imbestigasyon para malaman kung sino ang dapat managot sa pangyayari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply