Pilipinas kulelat sa negosyo

PILIPINAS ang kinikilalang isa sa pinakapalpak na pagnegosyohan, ito ang napag-alaman ngayon ng Remate.

Ayon sa Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP), red tape ang dahilan kaya naging pang-apat ang Pilipinas sa “World’s Top Ten Worst Countries for Business.”

Sinabi ni ECOP President Ed Lacson, nahihirapan ang mga negosyante na magnegosyo sa Pilipinas dahil sa napakaraming requirements lalo na sa mga local government unit (LGU).

Ito umano ang dahilan kaya isinusulong ng ilang grupo ang standardization ng mga requirement sa pagtatayo ng negosyo.

Kumbinsido si Lacson na nag-improve na ng bansa pagdating sa pagnenegosyo kaya naikukumpara ang Pilipinas sa ibang mga bansa.

Ang “World’s Top Ten Worst Countries for Business” ay batay sa ginawang pag-aaral ng World Bank na may pamagat na “Ease of Doing Business”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply